Sa Bintana Ng Ambulansya
"Emergencies strip away our illusions of control, but they reveal the strength of trust and teamwork."
Madalas akong makakita o makasalubong ng mga ambulansya sa daan. Kapag naririnig ko ang malakas na sirena nito, tumatabi agad ako para mag-give way. At the same time, napapa-isip din ako kung ano kayang emergency ang meron sa loob 'nun?
"Nabalian kaya yung pasyente?"
"Duguan ba siya?"
O di naman kaya, "may malay ba siya habang sinusugod sa ospital?"
Or baka "yung susunduin kaya nila is related na naman sa motor?"
'Yan yung mga naiisip ko sa "labas" ng ambulansya -- not knowing na one day eh ako naman yung isasakay sa loob ng ambulansya.
Nung nakaraang Lunes ng madaling araw, inatake ako ng vertigo ko. Matinding pag-ikot ng paningin ang naranasan ko pagdilat na pagdilat pa lang ng mata ko. At kasunod na 'nun ay ang matinding pagsusuka.
Konting galaw ko lang, iikot na uli yung paningin ko at magsusuka na naman uli ako. Nakapitong (7) suka na yata ako in just a span of two (2) hours. Halos wala nang mailabas yung sikmura ko.
Sobrang hinang-hina na ako at dehydrated. May mga stock kami ng pocari at hydrite sa bahay, pero useless din kase tuwing iinom ako ay isusuka ko din. At dahil nga sobrang hina ko na, 'di ko na talaga kayang tumayo.
Kaya yung partner ko tumawag na ng ambulansya (salamat sa LGU ng Mandaluyong sa mabilis na responde). Nanghingi na din kami ng assistance dito sa condo namin para hatiran kami ng wheelchair.
Hindi ako pwede ilagay sa stretcher dahil mas iikot ang paningin ko pag inihiga ako. At pangalawa, hindi sya kakasya sa loob ng elevator. Kaya wheelchair lang talaga ang pwede.
Fast forward, nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga na sa loob ng ambulansya. Naririnig ko yung pagmamadali ng medical team habang kinukuhanan ako ng vitals, yung pag-uusap nila kung saan yung mas mabilis na daan, at pati na din yung tunog ng sirena.
Sabi ko sa sarili ko, "ganito pala ang feeling kapag ikaw na yung nasa loob ng ambulansya?" Yung pakiramdam mo helpless ka na at ipinapaubaya mo na lang sa mga tao sa paligid mo yung sitwasyon mo.
At dahil sa experience ko na ito, meron akong dalawang (2) natutunan;
Health is fragile.
Kung iisipin natin, parang simpleng bagay lang naman sa iba ang dehydration at pagsusuka. And yet ito ako, kinailangan pang isakay sa ambulansya para lang madala ng mabilis sa ospital.
Which reminded me na maaaring ngayon malakas tayo, pero bukas eh nakahiga na tayo sa hospital bed. Kaya 'wag natin pababayaan ang sarili natin, kase hindi natin alam kung kelan bibigay yung katawan natin.
Trusting others in critical moments.
'Nung nasa ambulansya ako, hindi na ako ang may kontrol sa sitwasyon ko. Kailangan kong ipaubaya yung buhay ko sa mga taong nasa paligid ko. Which made me realized na we can't always do things on our own. Minsan, kailangan natin ang tulong ng ibang tao lalu na sa oras ng pangangailangan at kahinaan natin.
Yung experience ko sa loob ng ambulansya gave me appreciation for life's unpredictability -- na in case of emergency, sasampalin tayo ng reyalidad na tayo ay mahina at kailangan natin ang tulong ng iba. Isa itong wake up call na mas alagaan pa natin ang ating sarili, at laging maging handa sa mga hindi inaasahan.
Kaya sa susunod na makakita ka ng ambulansya sa daan, mag-reflect ka saglit, at magpasalamat sa Diyos sa patuloy na pag-iingat Niya sa ating lahat.
Now I shall make some tea.
Ciao!
- Jeff
Hope you're feeling fine!